Bambi FM 97.7 Live Streaming

Thursday, June 25, 2009

Motor Banca nasagip ng Philippine Coast Guard

Nailigtas ng Philippine Coast Guard ang isang motor banca na may pangalang Seamaster at mga crew nito sa karagatan ng Calatagan Batangas. Ang Seamaster ay galing ng Ambil Lubang Island at patungo sana ng Calatagan ng masiraan ng makina.
Sa impormasyong pinadala ni Philippines Coast Guard Lt. Roland Favillar, CO ng Coast Guard sa Occidental Mindoro at nakabase sa Mamburao, nailigtas ang mga crew ng nasabing motor banca na sina Christopher Tamplasa, George Tejadilla at Sherwin Villar.