Bambi FM 97.7 Live Streaming

Wednesday, June 10, 2009

Atty. Crispin Perez, Patay matapos paslangin sa kanyang tahanan

Patay matapos saksakin at pagbabarilin sa kanyang tahanan si Atty. Crispin Perez kahapon ng umaga.
Sa initial report na nakalap ng Bambi FM, humigit kumulang mag-aalas dyes ng umaga ng maganap ang pamamaslang sa kanyang tahanan sa Brgy. 7 San Jose, Occidental Mindoro.
Sa initial na panayam kay San Jose PNP Chief P/C Inspector Joel Santos Estaris, inilarawan nito ang suspek na di umano ay nasa pagitan 30 hanggang 40 anyosna lalaki, payat, nakapula ng damit at sakay ng isang motorsiklong kulay pula. Matapos ang pamamaslang ay tumakas di umano ang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Pag-asa. Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at ng Criminal Investigation and Detection Group ang lahat ng anggulo sa nasabing krimen.
Dumating na din ngayong umaga ang NBI para sa imbestigasyon.
Abangan ang ilan pang updates sa nasabing krimen.