Bambi FM 97.7 Live Streaming

Wednesday, January 21, 2009

Former Barangay Captain Allan Ismael, Bagong Miyembro Ng SB Ng San Jose

Pormal nang nanungkulan nuong Enero 20, 2009, bilang pinakabagong miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Jose, si dating Barangay Captain Allan Ismael.

Ito ay matapos siyang imungkahi ng partido dream team bilang kapalit ni dating Konsehal Cesar Asilo na pumanaw na nuon pang Oktubre ng nakaraang taon.

Si Ismael ay itinalaga ni Governor Josephine Sato bilang pagtalima sa R.A. 7160 ch II sec 45 kung saan ang gobernador ang siyang may "appointing power" sa mga nabakanteng posisyon sa Sangguniang Bayan.

Matatandaang naging kontrobersyal ang pag-upo ni Ismael ng banggitin nito sa kanyang "acceptance speech" ang kanyang pasasalamat kay Bishop Antonio Palang sa diumano'y pag-endorso nito sa kanya kay Mayor Muloy Festin bilang kahalili ni dating Konsehal Asilo. (Mariboy Ysibido)