Bambi FM 97.7 Live Streaming

Friday, February 6, 2009

Alex del Valle, nahaharap sa kasong pangingikil

Ika-4 ng Pebrero 2009 ng nadakip sa pamumuno ng Chief of Police ng Mamburao na si Capt. Rollyfer Capoquian ang isang Media Practitioner at Kagawad ng Brgy. San Roque, San Jose na si Ginoong Alex del Valle sa isang entrapment operation sa Hotel MindoreƱos kung saan naganap ang abutan ng mark money na nagkakahalaga ng Php 100,000.00. Ang nasabing halaga ay kanyang hiningi umano sa kasalukuyang Brgy. Captain ng Brgy. Bubog, San Jose na si Jose T. Villarosa (dating gobernador at kongresista ng Occidental Mindoro).

Tinangka umanong kikilan ni Alex del Valle si Villarosa ng halagang 100,000 kapalit ng pananahimik at hindi pagbanat nito kay Villarosa sa kanyang programa "Sa totoo lang" sa DZVT radio station.

Sa panayam ng TAPATAN kay Villarosa, sinabi umano ni del Valle na ang kabayarang 100,000 ay hanggang bago mag eleksyon lamang at iba pa sa eleksyon. Sinabi rin umano ni del Valle na para din ito sa pag-aayos nila at para na rin sa "peace of mind" ng biktima.

Nakapagpyansa diumano si Alex del Valle ng nagkakahalagang 100,000 para sa pansamantalang kalayaan.

1 comment:

  1. ang taga midya nga naman punong-puno nang pag-babalat kayo.....para kayong HUNYAGOOOO

    ReplyDelete