Bambi FM 97.7 Live Streaming

Thursday, February 26, 2009

1 patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Bayan ng Sablayan

Isang pinaghihinalaang rebelde ang napatay habang ilang mga kasamahan nito ang pinaniniwalaang sugatan sa isang engkwentro sa pagitan ng militar at NPA kahapon Miyerkules Pebrero 25, 2009.
Ang engkwentro ay naganap sa Sitio Pusog, Barangay Ligaya, Sablayan ganap na 6:30 ng umaga.
Sa panayam ng Bambi FM sa programang TAPATAN kay Lt. Col. Arnulfo Burgos, Commanding Officer ng 80th Infantry Batallion ng Phil. Army, sinabi nito na nagtagal ng 30 minuto ang sagupaan sa pagitan ng militar at tinatayang 20 rebeldeng NPA.
Isa naman ang sugatan sa panig ng militar na agad pinadala sa V. Luna Hospital.
Nasundan ang engkwentro kahapon sa Sitio Bingag, Concepcion Calintaan.
Narekober ng militar ang katawan ng di pa nakikilalang rebelde at m16 rifle, apat na mobile phones, grenades at mga subersibong dokumento.
Mariboy Ysibido

No comments:

Post a Comment